WALANG iniulat na insidente ng krimen sa Metro Manila habang nagaganap ang laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada nitong Linggo (PH time).
“We have not recorded any crime incident on the duration of his fight,” ayon sa inilabas na pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) makaraan ang laban ni Pacquiao.
Sinabi ni NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, ang tagumpay ng Pambansang Kamao ay “victory for peace” makaraan ang zero crime sa metropolis.
“The National Capital Region Police Office renders its salute to Sen. Manny Pacquiao for his victory. His victory today is another victory for peace,” pahayag ni Albayalde.
Ito ang unang laban ni Pacquiao makaraan manalo bilang senador nitong nakaraang May elections.
Tinalo niya si American Jessie Vargas via unanimous decision para sa WBO welterweight belt sa Las Vegas nitong Linggo.
“Another win for peace and honor for the Philippines,” pahayag ni Albayalde.