Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark Anthony nagtangkang mag-suicide?

INAALAM ng pamunuan ng Pambansang Pulisya ang mga lumabas na balitang nagtangkang magpakatay ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa loob ng Pampanga Provincial Jail.

Ayon sa isang insider mula sa Angeles City regional trial court (RTC), tinangka ng 37-anyos aktor na maglaslas ng pulso sa pamamagitan ng gunting.

Ang gunting ay sinasabing kinuha ng aktor mula sa isang barbero noong siya ay nagpagupit.

Ito ang sinasabing dahilan kung bakit may suot ang aktor na bandage sa kanyang pulso, taliwas sa mga unang report na nagkaroon siya ng pinsala dahil sa paglalaro ng basketball.

Habang sinabi ni Prosecutor Mark Oliver Sison, ang tangkang pagpapakamatay ng aktor kung totoo man ay posibleng may kinalaman sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Magugunitang naaresto si Fernandez noong nakaraang buwan nang mahulihan ng halos isang kilong marijuana sa kanyang Ford Mustang.

Bukod sa kasong may kinalaman sa droga, nahaharap din ang aktor sa kasong civil disobedience nang takbuhan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint operation.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Im Perfect

Sylvia Sanchez, napa-mura ng ‘PI’ nang nakita ang teaser ng MMFF entry na “I’mPerfect”

TIYAK na babaha ng luha sa mga sinehan sa December 25 sa mga manonood ng …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …

Naomi Marjorie Cesar Hussein Lorana SEAG

PH tracksters Cesar, Loraña, winalis ang 800m para sa dalawang ginto

BANGKOK — Naghatid ng pambihirang tagumpay para sa Pilipinas ang SEA Games first-timer na si …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …