Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Lawrence, mahal pa rin si Katrina Halili?

IPINAHAYAG ni Kris Lawrence na masaya siya dahil maayos na ang sitwasyon nila ngayon ni Katrina Halili na mother ng anak nilang si Katie. Nakapanayam namin si Kris nang manalo siya sa 8th Star Awards for Music ng R N B Album of the year at R N B Artist of the year para sa album niyang Most Requested Playlist.

Inusisa namin ang singer kung gaano siya ka-close sa four year old na anak. “I’m pretty close, I see her mga twice or three times a week,” saad ni Kris.

Wala naman bang problema ito kay Katrina? “Wala naman, that’s why masaya po ako ngayon. Kasi, we’re civil na, we can carry on a conversation. I can call her if I wanna see Katie and pumapayag naman siya like 99.9% of the time. Hindi lang puwede kapag gabi.”

Ano yung tungkol sa Try Again? “Try Again, kasi parang nakikita ko, she’s a kid di ba? So, kid always makes mistakes and you have to tell her na… yung message ng kanta is no matter how hard… no matter how many times you fall in life, it’s not about how hard you fall, it’s about how fast you can get back-up and try again,” esplika pa ni Kris.

May posibilidad ba na magkabalikan kayo ni Kat? “Hahaha! Well, right now,

Im just happy for whatever we have. I can never tell the future, I don’t know. I’m just happy we’re civil, na walang away. Iyong hindi na kami nag-aaway, masaya na ako roon,” nakangiting wika niya.

Pero, may feelings ka pa ba sa kanya? “Well you know, kahit papaano… I will always have that love for her ‘coz she is the mother of my child. So, you know, I’ll always… we’ll always care about her. And you know, whatever happens to her in life, kung saan man siya, I just want her to be happy. She deserves it, she deserves it.”

Sa ngayon, bukod sa pagiging isa sa interpreter sa ASOP grand finals na gaganapin ngayon (Nov. 7) sa Araneta Coliseum, kabilang sa pinagkaka-abalahan ni Kris ang kanyang kantang Isang Numero na ayon sa kanya ay isang trilogy.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …