EXODUS
Kung nakapag-produce ng Best Actress sa nagdaang IFFM (International Film Festival Manhattan) ang hottest and biggest indie producer ngayon na si Madam Baby Go in the person of Nathalie Hart for Siphayo of Joel Lamangan currently being shown in the cinemas, may counterpart naman sa tumanggap ng Best Actor recognition si Nathalie in the person of Leon Miguel para sa shorts na Redlights.
At ang isang supporter ni Leon ay ang masasabing bagong sibol din sa larangan ng pagpo-produce (though marami na siyang nai-produce na pelikula) na si Kate Cabuga (Brios).
Nakausap namin si Kate kamakailan at natapos na pala niya ang isang proyektong inaasam niyang mapasama sa darating na MMFF (Metro Manila Film Festival) 2016, ang komeding Tokhang (at ang tropang buang) directed by Roland Sanchez.
Nakakarating na rin pala kay Kate ang mga balita tungkol sa pag-urong ng deadline for the entries sa MMFF. Kaya dasal na lang daw ang ginagawa nila dahil nakasunod naman sa requirements ang kanilang pelikulang nagtatampok kina K Brosas, Leo Martinez, Dennis Padilla, Katrina Paula, Via Veloso, Miggs Cuaderno at marami pa.
Incidentally, Kate is also part of the MTRCB Board.
Maraming kwento si Kate about her life as KIB’s producer. And she’s had her share na rin pala ng mga legal cases dahil na rin sa mga pinagkatiwalaan niyang mga tao in the industry who has done her wrong.
But certainly, her life rolls in the entertainment industry!
Tokhang should be timely. Dahil it’s a satire comedy raw on sex, life and DRUGS!
HARDTALK – Pilar Mateo