Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PacMan tumimbang ng 144.8 pounds (Vargas 146.5 lbs)

SAPOL ni Philippine senator Manny “Pacman” Pacquiao ang ideyal na timbang na 144.8 pounds sa opis-yal na weigh-in kahapon sa Encore Theatre sa Wynn Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, USA.

Samantalang si Jessie Vargas ay may bigat na 146.5 pounds.

Hahamunin ni Pacman ang kampeon ng WBO welterweight para sa korona ngayong linggo  sa Thomas & Mack Center na matatagpuan sa loob ng University of Nevada Las Vegas Campus.

Si Pacquiao na may ring record na 58-6-2, 38 KOs ay tiwalang nasa hustong kondisyon para agawin ang titulo sa kampeong si Vargas (27-1-0, 10 KOs).

Si Vargas, sampung taon ang kabataan kay Pacman, ay naniniwalang sa taglay na kabataan ay kaya niyang talunin ang makasaysayang boksingero.

Sa main undercard ay parehong nasapol nina Nonito Donaire (37-3-0, 24 KOs)  at Jessie Magdaleno (23-0-0, 17 KOs)  ang reglamentong timbang para sa super bantamweight.   Tumimbang ang una ng 121.8 pounds, samantalang may bigat naman ang huli  ng 121.3 lbs.

Sa nasabing main undercard ay itataya ni Donaire ang korona sa WBO world super bantamweight.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …