INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang isang impartial independent investigation kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa kahapon ng madaling araw.
Inatasan ni Dela Rosa ang Regional Internal Affairs Service ng Police Regional Office 8 (PRO-8) na mag-imbestigas sa insidente.
Tiniyak ng PNP chief, magiging patas ang kanilang imbestigasyon at walang magaganap na ‘whitewash.’
Iimbestigahan ng Region 8 IAS ang CIDG-Northern Leyte team sa pamumuno ni Chief Inspector Leo Laraga.
Kahit nasa Las Vegas ang PNP chief para manood ang laban ni Sen. Manny Pacquiao, agad niyang iniutos ang “impartial and independent” investigations makaraan matanggap ang impormasyon na napatay si Mayor Espinosa ng mga operatiba ng CIDG.
Samantala, kabilang sa iimbestigahan ng PNP ang lumabas na mga ulat na dini-discourage ni Espinosa ang anak na si Kerwin para magtestigo sa ilang mga opisyal ng PNP na tumatanggap ng drug money mula sa kanila.
Maging ang sinasa-bing pagkakasangkot ng ilang opisyal ng CIDG Region 8 sa operasyon ni Kerwin ay kasamang iimbestigahan.