Saturday , November 16 2024

Mensahe ng Palasyo: Pacquiao, Donaire good luck

110616_front
NAGPAABOT ng good luck message ang Malacañang para kina Nonito “Filipino Flash” Donaire at Manny “Pacman” Pacquiao na parehong lalaban ngayong araw.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, hangad nila ang panalo ng dalawang boksingerong Filipino na sasabak sa ring habang nagdarasal ang buong sambayanang umaasa nang panibagong karangalan para sa bansa.

Ayon kay Andanar, kapwa kaabang-abang ang laban nina Pacquiao at Donaire at kaisa sila sa pagti-cheer para sa kanila.

Si Pacquiao ay lalaban kay Jessie Vargas para sa WBO welterweight title habang idedepensa ni Donaire kay Jessie Magdaleno ang kanyang World Boxing Organization (WBO) super bantam weight belt.

“Two highly anticipated matches in Las Vegas will take place tomorrow. First is the Nonito Donaire –Jessie Magdaleno fight where ‘Filipino Flash’ will defend his World Boxing Organization (WBO) super bantam weight belt. Second is the Manny Pacquiao – Jessie Vargas where our ‘Pambansang  Kamao’ — Senator Manny — makes his return from retirement to fight for the WBO welterweight title. We wish our boxers good luck.  The whole nation is behind the two boxers cheering for the pride of the Philippines and praying for the win,” ani Andanar.

Hataw News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *