IN the thick of news ang sikat na female personality na ito kaya hindi maiwasang mabuhay muli ang ilan sa kanyang mga “kalandian.”
Isa na rito ay ang minsang pakikipagpagniig pala niya sa isang mahusay na dramatic actor. Eto ang kuwento.
Minsan na palang naging magkapitbahay ang dalawang ito sa isang townhouse. Once napadaan ang babaeng personalidad sa tapat ng unit ng aktor na naglilinis ng kanyang kotse. Hose ang gamit ng half-naked na aktor kaya basang-basa maging ang suot-suot niyang boxer shorts.
Siyempre, bumakat ang kanyang ari which caught the passerby’s attention. Nilapitan siya nito sabay sabing, “Please come to my unit tonight. I’ll cook for you.”
Tumango naman ang aktor na nagsadya sa unit ng hitad noong gabi ring ‘yon. Natural, may naganap!
Pero ang nakakaloka, kinabukasan daw ay napadaan uli ang hitad sa unit ng aktor na umaasang ngingitian man lang siya nito, pero parang wala raw itong nakita. Natawa na lang daw ang actor sabay self-balloon, “May nangyari na’t lahat sa amin pero deadma siya! Nag-enjoy naman siya, ah!”
Da who ang mga bidang ito sa aming kuwento? Itago na lang natin sila sa alyas na Maricris Daldal at BJ Manaloto.
( Ronnie Carrasco III )