GO! Baby go! Apat na taon pa lang ang ginugugol ng pinakabagong producer sa balat ng movie industry na si Baby Go pero hindi na lang sa bansa natin kilala ang kanyang BG Productions International Inc. kundi sa sari-saring film festivals na rin abroad na kaliwa’t kanang parangal ang iniuuwi ng kanyang pelikula at artista.
Ang pinakahuling nagbitbit ng kanyang parangal ay ang Best Actress sa IFFM (International Film Festival Manhattan) na ang bida niya sa Siphayong si Nathalie Hart ang nakakuha. Ito ay idinirihe ni Joel Lamangan at kasama naman sa pelikula sina Allan Paule, Luis Alandy, at Joem Bascon.
Matutunghayan na sa mga sinehan ang may R-16 ratings at approved without cuts na pelikula na pinag-usapan na ang ginawang frontal nudity ni Nathalie na muntik pa niyang hindi kayanin at buti na lang ay nagabayan siya ni direk at co-stars.
Nang umuwi na si Nathalie ay isa pang special screening ang inihanda ni Madam Baby Go para sa kanya bilang pagsalubong sa Fisher Mall.
Sabi nga ni Nathalie, “It feels like Christmas already. I am just so blessed and thankful para sa naging balik sa akin inspite of the emotional turmoil I had to go through. But it paid off. Mag-isa lang ako when I went to the IFFA to represent our film. Madam Baby couldn’t go because she was busy preparing for the showing of ‘Siphayo’ ‘coz it’s been moved. And may another pa na kasunod, ‘yung ‘Area’ of Ms. Ai Ai delas Alas. I really am just so happy. And looking forward pa sa showing of the next project ko with BG, ‘yung ‘Balatkayo’.
Kung doble ang saya ni Nathalie for her award, ano pa kaya sa producer niya na ang tanging goal sa larangang wala siyang kamuwang-muwang nang pasukin eh, siya palang makatutulong sa marami pang industry workers sa isang environment na mamahalin siya ng mga ito.
Sa kuwentuhan with Madam Baby, nabanggit niya ang isang nagtatrabaho sa crew o unit niya. Kung hindi raw dumating sa buhay nito ang mga tinanggap na trabaho sa BG Productions, malamang eh, nangungupahan o rumerenta pa rin siya ng bahay. Pero nakabili na ito ng sarili nilang bahay at lupa.
Madam Baby considers having Dennis Evangelista as her line -producer her suwerte! At totoo naman. Dahil Dennis has the pulse sa mga proyektong pinipili nito para i-assign sa mga direktor ding nais na makatrabaho ni Madam Baby. At wala rin daw siyang favoritism sa mga ito although pinaka-una sa kanila at siyang naging dahilan para magsimula siya sa pelikula eh, ang madalas niya lang makasabay noon sa banko na si direk Joel dahil na rin sa mga transaction ni Madam Baby for her other businesses.
Apart from Dennis, her husband is all out sa suporta kay Madam Baby at ang kanyang best friend na si Sir Romeo Lindayag.
Bakit hindi matutuwa ang produksiyon niya kay Madam Baby? Cash siya magbayad sa mga tao. At kung walang petty cash, hindi muna siya magpapa-set ng shooting with Dennis. Ayaw na ayaw niya na ginugutom ang mga tao lalo na sa set. Kaya naman ibayong pagmamahal din ang sukli ng mga tao niya sa kanya. At pagdating sa creative freedom ng kanyang directors eh, hindi siya nakikialam. Nakikipag-usap sa kanya ang mga ito para ilahad ang sining na gusto niyang gawin sa pelikula.
Oo, may mga pelikula rin si Madam Baby na hindi kinakagat sa takilya o natatangkilik ng mga manonood. But that won’t stop her from producing more and more films. Dahil naniniwala siya sa talento ng kanyang mga direktor at aktor.
Kaya nang idaos ang Film Ambassadors Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines) na pinamumunuan ni Chair Liza Diño apat na citations ang tinanggap ni Madam Baby para sa mga pelikula niyang Laut, Childhaus, Iadya Mo Kami, at Area.
Naabutan ni Madam Baby ang pagkakaroon ng Travel Assistance Program ngayon ng FDCP sa mga screenings ng kanilang pelikula abroad.
Mga obra ni Genesis, nagsalba sa buhay ng ina
GENESIS
Heart-warming as well as heart-breaking ang episode na matutunghayan sa MMK (Maalaala Mo Kaya) sa gabi ng Nobyembre 5 (Sabado) sa Kapamilya.
Idinirehe ni Raz dela Torre ang episode na isinulat at sinaliksik nina Mae Rose Balanay at Arah Jell Badayos na magtatampok kay Sue Ramirez bilang si Genesis at si Nash Aguas bilang Jewesis kasama sina Mutya Urquia, Josh de Guzman, Sharmaine Arnaiz, at Michael Flores.
Magkapatid sina Genesis at Jewesis at epilectic ang huli kaya naman ang kanilang ina ay sa bunso tutok. Pero suportado naman si Genesis ng ama pagdating sa pagkahilig nito sa pagpipinta. Maliit pa lang ay inidolo na ni Genesis ang ama pagdating sa pagguhit.
Kaya naman ang mga drawing niya ang nagsisilbing sumbungan ni Genesis ng kanyang mga saloobin sa mga emosyong ipinipinta niya lalo pa at selos na ang nadama niya sa pagmamahal ng ina sa bunsong kapatid.
Pero ang pagsubok ay dumating nang maratay sa banig ng karamdaman ang ina dahil sa mayoma at pumanaw ang kanilang bunso. Kahit pa isinabay niya ang pagtatrabaho sa paga-aral, hindi ito naging sapat para sa mga bayarin sa ospital. Kaya kahit masakit na masakit sa loob ay napilitan siyang ibenta ang kanyang mga obra.
Ang tinutulang mga pinta ng kanyang ina ang siya palang magiging daan para maibsan ang pangangailangan nilang pinansiyal. Mas mahalaga pa rin kay Genesis ang pagmamahal sa kanyang ina.
Nag-viral sa social media ang istorya ni Genesis na nagbenta ng kanyang paintings para mabayaran ang medical bills ng kanyang ina.
Kung maipipinta ni Genesis ang pagbabago sa kanilang buhay, marahil nga ay kulang ang mga kulay na mailalagay nila sa istorya nila.
Panoorin and feel the love!
HARDTALK – Pilar Mateo