Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 obrero todas, 7 sugatan nang madaganan ng truck at backhoe

GENERAL SANTOS CITY – Binawian ng buhay ang da-lawang construction worker habang pito ang sugatan nang

madaganan ng 10-wheeler truck na may kargang backhoe at mga materyales, pasado 10:00 pm kamakalawa.

Ayon sa ulat, nawalan ng break ang cargo truck nang kumurba sa Buayan Bridge Malandag sa Malu-ngon, Sarangani, kaya nahulog sa matarik na bangin.

Idineklarang dead-on-arrival sa Malungon Municipal Hospital sina Eric John Kenneth de la Torre, 28, mason, at Bernabe Buli, laborer, kapwa residente ng Lower Tamugan, Marilog district, Davao.

Habang inoobserbahan sa pagamutan sina Ariel Ortiz, 39, project engineer; Rudy Pulvera, 48, foreman; Eufoldo Merle, foreman; Rudy Duran, 42, foreman; Reynaldo Macaranda, 37, mason; at Arthur Lumantas, 40, mason, pawang residente ng Davao City.

Samantala, nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa Davao si Renny Mangalo, 38, driver, residente ng Bajada, sugatan din insidente.

Sinasabing pagmamay-ari ng L5 Builders ang na-sabing construction equipments.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …