Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mas matinding iyakan, hatid ng The Greatest Love — Sylvia Sanchez

IPINAHAYAG ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na lalong tumitindi ang mga eksenang iyakan sa kanilang top rating drama series sa ABS CBN titled The Greatest Love. Bawat episode raw ay hindi dapat palagpasin lalo’t ito na ang part ng story na makikita na talaga yung epekto ng Alzheimers.

“Yes, papunta na roon and ngayon pa lang hindi ko ma-imagine yung pain na mararamdaman ni Gloria ‘pag nawala na totally lahat sa kanya. Kasi mayroon siyang sinabi, ang dialogue niya is parang, ‘Paano pa ako mabubuhay if makakalimutan ko ang mga anak ko?’ Para rin akong pinatay niyon, e,” saad ni Ms. Sylvia.

Ano pong dapat abangan pa sa The Greatest Love?

Sagot ng Kapamilya aktres, “Matinding iyakan… oo, kumbaga kung ngayon ay naghahanda lang kayo ng lampin, later-on ay tuwalya na ang kailangan ninyong gamitin,” nakangiting wika niya.

Kasi po ay babaha na ng luha sa serye ninyo? “Oo, sobrang babaha ng luha,” nakatawang sabi pa niya.

Anong reaction nyo na napatunayan dito na kaya mo palang maging bida sa isang TV series?  “Salamat sa Diyos! After 37 years, ganoon… dumating, hahaha! Pasalamat ako dahil mayrong nagtiwala sa akin, ABS at GMO Productions.”

Nang usisain sa comment niya dahil maraming nagsasabi na dapat ay pang-prime time ang TGL, ito ang sagot ng mother nina Arjo at Ria Atayde: “Nakakatuwa kasi grabe ang reception ng mga viewers, yung pagtanggap sa soap opera namin. Actually, hanggang ngayon non-stop yung mga comment na dapat ay ilipat ng primetime! Nakakatuwa, kasi grabe yung reception ng mga viewers.”

Ang seryeng pinagbibidahan niya na napapanood after ng Doble Kara ay isang di malilimutang kuwento ukol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak. Siya si Gloria sa seryeng ito, isang ina sa apat na anak (Dimples Romana, Andi Eigenmann, Matt Evans, at Arron Villaflor), na mayroong Alzheimer’s disease. Ipakikita rito ang mga sakripisyong kayang gawin ng isang ina para sa mga anak. Bilang ina, ibinigay ni Gloria ang lahat sa kanyang mga anak ngunit magbabago ang lahat sa pagbubunyag ng isang malaking sikretong wawasak sa kanilang pamilya na itinago sa kanila sa loob ng maraming taon

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …