Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Diane Ventura, gustong makatrabaho ulit sina Jake at Loren

AFTER maghintay ng ilang panahon, napanood na rin finally ang pelikulang Mulat (Awaken) na pinamahalaan ni Direk Diane Ventura. Recently, naging matagumpay ang premiere night ng pelikulang tinatampukan nina Jake Cuenca, Loren Burgos, Ryan Eigenmann, Candy Pangilinam, at iba pa.

Bukod sa pagdidirek nito, siya rin ang nagsulat at nag-produce ng Mulat na nakakuha ng A-rating sa Cinema Evaluatioan Board (CEB).

Pinuri ng lady filmmaker ang mga nakatrabaho niya rito. “I’m very lucky to have had this stellar cast on board. It made my job just much easier and enjoyable.

“Si Loren noong na-meet ko bago lang talaga siya. Si Jake naman kahit bihasa na, nagulat pa rin ako kasi sobrang mapagkumbaba at team player, walang ere. Naka-relate ako agad sa kanya sa passion at dedication niya not for fame or money, pero for his love of the art. Bihira na yung ganoon dito kasi. Sobrang supportive niya kahit na independent feature lang yung pelikula,” esplika ni Direk Diane.

Gusto ba niya ulit makatrabaho sina Jake at Loren? “I’d work with Jake and Loren again for sure, kasi madali sila katrabaho and supportive talaga sila and nandiyan sila hanggang sa huli. Hindi lang sila talented, professional talaga sila.”

Ano ang feeling niya na muling napanood ng madla ang kanyang pelikula na naging kalahok dati sa CineManila and Cinema One Originals noong 2014?

Sagot niya, “I’m just really happy na may pagkakataon para mapanood ng mga tao ang pelikulang pinaghirapan namin lahat tapusin. I just wish that the industry specifically theaters were a bit more supportive of independent films. Mahirap kasi kahit maraming gusto manood, di naman accessible sa lahat kasi ang priority yung commercial films. Walang platform or avenue ang mga independent filmmakers at artists. It’s sad kasi dekalidad ang mga pelikula pero di nabibigyan ng same chance.”

Tuloy-tuloy na ba ang pag-produce at pagdirek niya ng movie? “Oo, as long as may ideas ako at masaya pa ako, tutuloy ko pa rin ito. Pero di ko pa rin bibitawan ang music production din.Yung last concert ko was a tour in the US,” saad pa ni Direk Diane na ang next movie ay may working title na Deine Farbe (Your Color).

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …