INALERTO ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang lahat ng kanilang mga tauhan sa Central Mindanao.
Ito ay dahil sa sinasabing planong resbak sa kanila ng drug lords na nasagasaan sa kanilang anti-illegal drug campaign.
Ayon kay Dela Rosa, inatasan niya ang regional police directors ng PNP Region 12 at ARMM na higpitan pa ang kanilang seguridad upang hindi magkaroon ng pagkakataon ang drug lord sa kanilang masamang balak.
Ang direktiba ni Dela Rosa ay kasunod sa natanggap nilang report na may isang pulis na napatay sa Pikit, North Cotabato.
Aminado ang PNP chief na hindi malayong gumanti ang drug lords gamit ang kanilang armadong mga tauhan.
Kabilang aniya rito ang grupo ni Mayor Samsudin Dimaukom na napatay sa isang checkpoint sa Makilala, North Cotabato.
Pahayag ni Bato, gagawa ng paraan ang mga drug lord na makapaghiganti sa mga pulis.
Kaya pinag-iingat ni Dela Rosa ang kanyang mga tauhan sa nasabing rehiyon.