TOTOONG kahit pinakamagaling nang singer ay sumasablay pa rin paminsan-minsan sa kanilang mga live performance. Pero karaniwang madali itong nahahalata ng mga taong may matalas na pandinig sa musika, well, not necessarily singers themselves.
Sa nakaraang Powerhouse concert na ginanap sa The Theatre sa Solaire Resort & Casino—na pinanood namin—ay tatlo o hanggang apat na beses nag-flat si Arnel Pineda nang kantahin niya ang Eye of the Tiger.
In fairness to Arnel, makapatid-litid naman kasi ang buwis-buhay na kantang ‘yon. Bale ba, it was his first song kaya puweng ikatwirang nagwa-warm up at ikinukondisyon pa lang niya ang kanyang vocal chords.
Pero in fairness uli sa dating bokalista ng The Jouney, ang mga sumunod niyang kanta ay malinis na ang pagkakaawit, mataas man ang tono’y effortless na niyang naitawid to the delight of the audience.
Isa ring napansin namin kay Arnel ay ang madalas niyang paglabas ng kanyang dila na wari’y nangse-seduce. Hindi man kaguwapuhan, katangkaran o kamachohan si Arnel, kung sisipatin mo’y mayroon din siyang tinataglay na appeal.
Kapaniwalaan din kasi na kapag payat ang isang lalaki, tiyak na “endowed” siya sa bahaging ‘yon sa bandang ibaba.
Huwag n’yo na lang tanungin kung maputi ba ang kargada niya dahil hindi naman siya Tisoy, ‘no!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III