LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 59-anyos lalaki makaraan molestiyahin ang 14-anyos dalagitang anak ng kanyang live-in partner sa Brgy. Poblacion, Mandaon, Masbate.
Ang suspek na si Relan Danao ay nabatid na kabilang din sa listahan ng mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar.
Nakompiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang improvised shotgun na may nakalagay na magazine na naglalaman ng dalawang live ammunition.
Gayondin, natagpuan sa pag-iingat ng suspek ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at nakuhang mga ebidensya para sa tamang disposisyon.