Friday , December 27 2024

Diaper at hearing aid kay FVR

HINDI kawalan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo  Digong Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang special envoy to China.

Sa simula pa lang, hindi na dapat itinalaga ni Duterte si Ramos dahil wala naman talagang silbi ito sa kanyang administrasyon.

Sa edad na 88-taong gulang, maituturing na matandang hukluban na si Ramos. Nakatatakot dahil sa kanyang katandaan, baka mangailangan na siya ng hearing aid at diaper sa gitna ng kanyang pakikipagpulong sa kanyang Chinese counterpart.

Kahihiyan si Ramos sa administrasyon ni Duterte dahil maagang nagpakita ng kanyang kulay bilang isang American boy o Amboy.

Nang ideklara ni Duterte ang kanyang independent foreign policy at tumangging sundin ang Paris Climate Change Agreement ng Amerikano, nagsimula nang banatan ni Ramos si Duterte.

Ingrato itong si Ramos!

Makabubuting tanggapin na ni Duterte ang resignation ni Ramos at hindi na dapat pang pabalikin sa kanyang puwesto.

Makagugulo lang si Ramos sa administrasyon ni Duterte dahil isang Amboy na tiyak na sasalungat sa mga policy ng kasaluku-yang pamahalaan.

Makabubuting magretiro na lamang si FVR.  Magtungo sa kanyang resthouse , umupo sa kanyang tumba-tumba, manguyakoy at panoorin ang mga ibong lumilipad kasabay ng huni ng mga kulisap hanggang sa unti-unting paglubog ng araw.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *