ENGRANDE ang naging selebrasyon ng unang kaarawan ng kambal na anak ng Lord of Scents Joel Cruz na sina Prince Harry at Prince Harvey na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel na may temang Disney at It’s a Small World last October 23.
Nag-enjoy ang mga batang dumalo sa games and prizes gayundin sa mga picture taking with their favorite Disney characters mula kina Winnie The Pooh, Olaf(Frozen), at Woody (Toy Story).
Dumalo ang mga celebrity na tulad nina Jolina Magdangal at Mark Escueta kasama ang kanilang anak na si Pele; Vice Governor/actress na si Andrea Del Rosario; Jamie Rivera; Aficionado endorsers Bugoy Cariño; Xyriel Manabat;Jason Abalos & GF Vicky Rushton. Inaanak sa kasal na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco & baby Mela; inaanak sa binyag na si Andrea Brillantes; Niño Mulach & Alonzo na naka-costume ng R2D2.
Rumampa rin ang mga Disney Princess at ilang Disney characters.
MATABIL – John Fontanilla