TACLOBAN CITY – Tinungo ng ilang mga turista ang Yolanda Memorial sa siyudad ng Tacloban na nagsisilbing alaala sa mga namatay sa pagtama nang pinakamalakas na delubyo sa buong mundo.
May mga nagpakuha ng retrato sa Yolanda Memorial sa Brgy. Anibong o sa sumadsad na barko na MV Eva Jocelyn.
May mga nag-alay ng mga bulaklak at panalangin sa nasabing barko para sa kaluluwa nang mga namayapa.
Magugunitang aabot sa 400 ang mga namatay sa lugar lamang ng Brgy. Anibong bunsod nang pagtama ng bagyong Yolanda.
Samantala, sa Boyscout Rotonda sa San Jose ay inilagay ang maliliit na puting krus biglang pag-alaala sa mahigit 500 namatay sa naturang lugar.