Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Baby Go, awardee sa 15th Annual Gawad Amerika Awards

MULI na namang tatanggap ng karangalan ang tinaguriang Queen ng Indie Films na si Ms. Baby Go. This time hindi sa international award giving bodies galing ang parangal, kundi sa 15th Annual Gawad Amerika Awards. Gaganapin ito sa Celebrity Center International, Hollywood California USA sa November 19, 2016. Pararangalan ang lady boss ng BG Productions International bilang Most Outstanding Filipino in the field of Independent Cinema Productions and Aesthetics.

Ang movie company ni Ms. Baby ay nagsimula ang pagpoprodyus noong 2013 sa katuwaan na isama sa eksena ang apo niya sa pelikulang Lihis ni Direk Joel Lamangan. Kapwa kliyente ng parehong banko sina Ms. Baby at Direk Joel at ang ‘middleman’ ay si Mr. Romeo Lindain. Agad-agad, natuloy ang pagsasapelikula na gumanap na baby ni Lovi Poe ang apo ni Ms. Baby and the rest is history, ‘ika nga.

Sa kasalukuyan, ang BG Productions ang nasa likod ng mga pelikulang  Lihis,  Lauriana,  Bigkis, Homeless, Child Haus,  Iadya Mo kami, Sekyu, Laut, Tupang Ligaw,  Siphayo,  Area, at Balatkayo. Karamihan sa mga pelikulag ito ay award-winning na hindi lang sa Pilipinas kinilala, kundi maging sa international scene.

Ayon naman kay Ms. Baby, labis-labis ang kanyang pasasalamat sa mga parangal at pagkilalang natatanggap niya. “Natutuwa ako at nagpapasalamat sa mga awards na ibinibigay sa akin. Ako naman, masaya na kapag ang mga pelikula ng BG Productions ay kinikilala.

“Patuloy kaming gagawa ng mga pelikulang magaganda, may-aral at pang-award, bilang kontribusyon namin sa sining at para makatulong sa mga nagtatrabaho sa showbiz industry, lalo na ang mga maliliit na nasa likod ng camera.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …