CAGAYAN DE ORO CITY – Bagama’t kapwa buhay pa, personal nang inihanda ng isang pamilya sa Iligan City ang kanilang mga kabaong para magamit kung sakaling sila ay pumanaw.
Ito ang ibinahagi ng mag-asawang sina Luciano, 84, at Flora Tapic, 81, residente ng Brgy. Kiwalan sa nasabing lugar.
Inihayag nilang mismong ang anak na lalaki nila ang gumawa ng mga kabaong.
Una nang nagawa ang kabaong ni Nanay Flora taon 2000, habang kay Tatay Luciano ay kanyang natanggap taon 2014.
Kapansin-pansin ang kabaong ni Nanay Flora dahil porma itong eroplano habang kay Tatay Luciano ay nasa normal na hitsura lamang.
Unang gusto ni Nanay Flora ang porma ng barko na kabaong ngunit iniiba ng kanyang anak.
Nais ng ginang na mailibing sa kanilang sariling sakahan.
Paliwanag ng mag-asawa, mas mabuting nakahanda na sila nang kanilang gagamiting kabaong para hindi na problemahin ng kanilang mga maiiwan ang gastos sa ataul.
Ang mag-asawang Tapic ay mayroong anim anak, 21 apo at 14 apo sa tuhod.