SANAY walang bahid ng katotohanan ang ipinabasang tect message sa amin as forwarded ng isang taong kaumpukan kamakailan ng isang sikat na female personalitypatungkol sa kanyang ka-loveteam.
Sa naturang tsikahan ay diretsang sinabi raw ng hitad na beki ang kanyang katambal.
Kung ano ang kanyang pruweba roon ay wala sa mensaheng aming natanggap.
Totoo man o paninira ‘yon laban sa kanyang ka-tandem ay hindi dapat nagsasalita ang hitad na ‘yon knowing full well na sa mundo ng showbiz ay kakalat ‘yon. Worse, of all people ay bakit ang babae pang ‘yon ang nagkakalat ng tsismis?
Eh, talaga naman palang may itinatagong kamalditahan ang female personality na ‘yon na itago na lang natin sa alyas na Menchu Meneses!
( Ronnie Carrasco III )