NAGA CITY- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki kabilang ang 16-anyos binatilyo makaraan maaktohan na kinukuhaan ng video ang isang babae habang naliligo sa isang resort sa Guinayangan, Quezon kamakalawa.
Ayon sa ulat, naliligo ang 26-anyos biktima nang mapansin na tila kinukuhaan siya ng video ng mga suspek na sina John Lyrie Abellera, caretaker ng resort, at kasabwat niyang 16-anyos.
Sumigaw ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek.
Nananatili ngayon sa kostudiya ng mga awtoridad ang nasabing mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Video and Photo Voyeurism Act of 2009.