Saturday , November 16 2024
road traffic accident

2 bata patay, 14 sugatan sa van na nahulog sa kanal (Sa STAR Tollway)

DALAWANG bata ang patay habang sugatan ang 14 iba pa makaraan mahulog ang sinasakyang van sa kanal sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Malvar, Batangas, Lunes ng gabi.

Galing sa isang beach resort sa Anilao, Mabini at pauwi sa Pasig ang L300 van ng mga biktima nang mag-overtake sa Kilometer 73 ng tollway.

Nagpagewang-gewang ang van nang mawalan ng kontrol ang driver na si Joseph Fernando hanggang mahulog sa malalim na bahagi ng kanal.

Kinilala ang mga namatay na sina Janelle Anne Delanon, 9, at Jaylord Lance Delanon, 12.

Habang isinugod sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa ang 14 nasugatang karamihan ay mga bata.

Posibleng sampahan ng patong-patong na kaso ang driver na sinasabing nakainom ng alak nang maganap ang insidente.

Sa Cagayan de Oro City
JEEP SWAK  SA BANGIN, 20 SUGATAN

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigit 20 ang sugatan nang mahulog sa bangin ang isang jeep kamakalawa.

Sa Sitio Sapong, Brgy. Tablon, papunta sana sa Bukidnon ang mga sakay ng jeep para dalawin ang mga yumaong mahal sa buhay nang maganap ang insidente.

Ayon sa driver, pumutok ang preno at hindi niya nakontrol ang jeep kaya ito nahulog sa bangin.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *