PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (DoLE) kahapon ang mga employer na bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay bago sumapit ang Bisperas ng Pasko, Disyembre 24.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang lahat ng rank-and-file employees ay dapat tumanggap ng 13th month pay, ano man ang uri ng kanilang trabaho, basta’t sila ay nagtrabaho nang isang buwan o mahigit pa sa loob ng isang taon.
“The 13th month pay is a labor standard provision of the law that the DoLE does not compromise as to its payment,” pahayag ni Bello.
Binigyang-diin ni Bello ang magiging benepisyo ng pagkakaloob sa mga empleyado nang nararapat para sa kanila, aniya mapapataas nito ang pagiging produktibo ng mga manggagawa.
“Good labor-management relations, increased workers’ and enterprises’ productivity and competiveness result to workers being paid what is due them,” aniya,
Ang 13th month pay ay katumbas ng one-twelfth ng basic salary ng empleyado sa loob ng calendar year.