Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mas mahirap magdirehe ng bakla — Direk Chris sa Working Beks

AMINADO na si Direk Chris Martinez na inspired sa dating pelikula ng Viva Films na Working Girls ang bago niyang handog na Working Beks mula pa rin sa Viva Films at showing na sa Nobyembre 23 at pinagbibidahan nina TJ Trinidad, Edgar Allan Guzman, Prince Stephan, Joey Paras, at John Lapus.

Aniya, may pagkakapareho ang dalawang pelikula in some ways. Kung women empowerment ang Working Girls, gay empowerment naman ang Working Beks. Pero iginiit na magkaiba ang kuwento ng dalawa.

“Ibang-iba ‘yung kwento. Hindi siya remake, inspired lang because they’re all working and they’re all undergoing certain problems in their lives,” giit ni Direk Chris.

Naikuwento pa ni Direk Chris na mas mahirap palang magdirehe ng mga totoong gays portraying gays kaysa mga straight guy.

“Mas nahirapan ako sa totoong gays. Hindi naman sa mas mahirap, kaya lang mas kailangan silang i-guide kasi dahil siguro ‘yung straight actor, alam niya na kailangan niyang mag-exert ng effort.

“’Yung gays actor, at the start, parang either sumobra or kumampante,” giit pa ni Direk Chris kaya naman daw mas inalalayan niya ang mga gay actor.

“Mas na-challenge ako sa kanila (gay actors). Which is very surprising, ha? Parang isa ‘yun sa mga surprises ko bilang director—handling a combination of straight actors playing gay and gay actors playing gays. Parang mas natsa-challenge ako sa mga gay. But they all delivered in the end. Lahat, plakado ‘yung performance,” sabi pa ng director.

Idinagdag pa ni direk Chris na sina John at Joey ay open na gay samantalang si Prince ay kaka-out lang kaya parang nasa in-between pa ang aktor.

At sa lima, si Prince lang ang first time niyang nakatrabaho at ngayon lang niya nakilala lalo pa nga’t kakalipat lang nito sa Viva.

Kuwento pa ni Direk Chris, bago pa sila nagsimula ng shoot ay agad na niyang ipinaliwanag kay Prince na isang gay film at isang gay ang gagampanan nito.

“Sabi niya, ‘thank you, direk, gusto ko po talaga gawin ‘yan kasi gusto ko na po talaga mag-out.’ Sabi ko sa utak ko, parang ‘ ah okay, ire-reward kita sa tapang mo.’ Sabi ko, ‘you will be rewarded with your courage and your bravery to take that step in your career,’” ani direk.

At sa ipinakitang arte ni Prince, napuri niya ito. “Magaling siya for his age. ‘Yung range niya, parang marami siyang pinaghuhugutan na. Kaya niya ring maging light, pero ‘pag dramatic na eksena na, maaasahan siya, okay siya.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …