Friday , November 15 2024

Walang nakasasawa sa paulit-ulit na talumpati ni PDigong

MARAMING nagsasabing nakasasawa na raw pakinggan ang paulit-ulit talumpati ni Pangulong Digong. Isa sa partikular na tinutukoy ang kanyang kampanya sa droga o ang pagpapaigting ng giyera laban sa salot na ilegal na droga.

Binabatikos ang pagpapatupad ng PNP sa kampanya – kesyo karamihan sa mga napatay na tulak ay biktima ng extrajudicial execution lalo na kapag isang mahirap na nilalang.

Kapag artista o mayaman naman ang sangkot ay naaaresto at hindi pinapatay.

Bukod dito, kinukuwestiyon din ang paraan ng pagpapatupad ng Oplan Tokhang ng PNP. Kapag mahirap ang kakatukin ng bahay, patay ang hinihinalang pusher dahil nanlaban daw. Pero sa mga subdibisyon ay nagpatawag muna ng dialogo ang PNP sa homeowners na hindi man lang ginawa sa mahihirap.

Pero nakasasawa nga ba ang talumpati ni Pangulong Digong hinggil sa giyera laban sa ilegal na droga?

Hindi naman natin kinakampihan ang Pangulo pero, wala tayong nakikitang nakasasawa sa lagi niyang pagpapaalala kaugnay sa problema ng bansa sa droga.

Masama bang ipaalala sa taongbayan ang masamang epekto ng droga? Sinasabing apat milyong Filipino ang lulong ngayon sa droga. Hihintayin pa ba nating tumaas ang bilang nito o maging biktima ng mga tulak ang mga kaanak natin?

Huwag naman sana…

Kaya anong nakasasawa sa talumpati ng Pangulo? Wala! Tama lang na ipinapaalala ito at dapat na suportahan ng taongbayan. Ang dapat ay maubos ang mga tulak at mga gumagamit lalo na ang mga gumagawa ng droga.

Masasabing pinakahuling biktima ng durugista ang isang architecture student ng Adamson University. Dahil sa ilegal na droga ay napatay ang biktimang si Nick Russel Oniot, 18-anyos.

Ops, hindi po gumagamit ng droga si Oniot at sa halip ang mga salarin na pumatay sa kanya ay mga adik.

Nitong Oktubre 14, 2016, hinoldap at pinagsasaksak ng dalawang adik si Oniot habang pauwing naglalakad sa Taguig City. Galing eskuwelahan ang kawawang estudyante. Namatay ang biktima dahil sa 18 saksak sa katawan.

Disiotso ang saksak kay Oniot mula kina Reynold Clave at Marvin Bernardo. Ibig sabihin, wala sa katinuan ang dalawang suspek. Sa bilang ng saksak nila kay Oniot, malamang naka-droga ang dalawa.

Oo nga nadakip sa follow-up operation ang dalawang suspek na lumabas sa imbestigasyon na sangkot pala sa pagbebenta ng droga pero sapat ba iyong pagkakaaresto nila para mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng estudyante.

Hindi!

Katunayan, napatay at namatay ang dalawang naarestong suspek pero, ang katanungan diyan ay…sapat ba ang kamatayan ng dalawang salot sa ginawa nila kay Oniot. Kahit paulit-ulit pang patayin ang dalawang gago, masasabing hindi pa rin nakakamit ang katarungan. Walang kuwenta ang buhay ng dalawa habang si Oniot ay maagang naibuwis ang buhay sa kagagawan ng dalawang durugista.

Huwag na natin hintayin pang may susunod na Oniot. Sa halip na batikusin ang Pangulo sa kampanya ng kanyang gobyerno laban sa droga, ang dapat ay magpasalamat tayo at may pangulong nakapokus laban sa problema sa droga.

Nadatnan na niya ang problemang ito dahil sa kapabayaan ng nakaraang administrasyon. Meaning, ang dapat na batikusin at sisihin sa malalang problema sa droga at pagkamatay ni Oniot sa kamay ng mga adik ay nagdaang administrasyon.

Ewan lang kung dapat pa rin sabihin ito… “Tama lang na pagpapatayin ang mga adik!”

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *