TULOY na tuloy na ang pagdalo ni Paolo Ballesteros, kasama sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan, sa Tokyo International Film Festival dahil nakapagpaalam na ito sa Eat Bulaga at pinayagan naman.
Maaalalang isa ang peikula ni Paolo na Die Beautiful na entry sa Tokyo International Film Festival ngayong taon.
Inaabangan na nga ng International Press sa Tokyo ang pagdalo ni Paolo at inaabangan ng mga ito sa kung sino bang Hollywood star ang gagayahin ng aktor.
Excited na nga si Paolo sa pagdalo sa festival lalo na’t launching movie niya bilang bida na mas nauna pang mapanood sa Japan kaysa Pilipinas.
MATABIL – John Fontanilla