Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahusay na actor, mistulang may sakit kung iwasan ng mapeperang kaibigan

KULANG na lang pala ay pindutan ng cellphone ng isang kilalang politician outside Metro Manila ang isang mahusay na actor bilang pag-iwas na kausapin ito.

Ang dahilan: nakakahalata na raw kasi ang politiko na ginagawa na siyang palabigasan ng aktor na naging malapit sa kanya. Palautang kasi ang nasabing actor na sana man lang daw ay dinadala sa mga makabuluhang bagay.

Nabisto kasi ng madalas utangang politiko na talamak pa rin pala ang bisyong pagsusugal ng aktor. Himutok ng tagapagsalita ng politiko sa amin, “Sa totoo lang, basang-basa na ang papel ni (pangalan ng aktor)!  Maiintindihan ko pa kung libangan lang niya ‘yung pagka-casino niya, kaso ginawa na yata niya ‘yung daily routine. At ang nakakaloka, maano ba namang magtrabaho na lang siya para mayroon siyang pera at hindi ‘yung kung sino-sino ang kinakalampag niya para utangan ng pera, ipansusugal lang pala niya!”

Ang ending: mistulang may nakahahawang sakit daw ang aktor na iniiwasan na ng kanyang mga maperang kaibigan.

Da who ang aktor na itey? Isyogo na lang natin siya sa alyas na Panfilo Salamangkero.

( Ronnie Carrasco III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …