FIRST time magkakaroon ng love scene sa kapwa babae si Jasmine Curtis-Smith at ito ay mapapanood sa sa Baka Bukas na idinirehe ni Samantha Lee.
Ang Baka Bukas ay isa sa entry sa Cinema One Originals na ang tagline sa taong ito ay Anong Tingin Mo na magtatampok sa pitong iba’t ibang pelikula sa narrative category kasama ang tatlong dokumentaryo.
Ang Baka Bukas ay isang lesbian movie kaya asahan ang ilang maseselang eksena.
Ayon kay Jasmine, hindi siya nagdalawang-isip nang tanggapin ang pelikulang ito. “Because majority of my friends are all working on improving how people accept our view, the LGBT community, and the most natural for us through articles, through illustrations, through films. So this is one step further for us to accept in a different light kasi athough this community is mostly recognized by the gays, what about lesbians?
“Siyempre, naging talk din for a while ang pagiging transgender but for some reason, when it comes to lesbian, there’s so much taboo na people are not comfortable with it.
“So bakit ganoon? We need to make people more comfortable, make it more normal. As it is, normal naman, ‘di ba? So I never hesitated,” ani Jasmine.
Sa pelikula’y makakasama niya si Louise delose Reyes na love interest ng kanyang karakter.
“It was really great experience kasi not only it’s my first time doing it, pero everyone on the set kasi, sinigurado – our DOP, our PD, people who were there, people who were directly involved with the actor or who talked to the actors, lahat sila are also part of the LGBT community, so we really stuck to what we wanted to deliver for the film,” sambit pa ni Jasmine.
Ukol naman sa kung may love scene sila ni Louise, sinabi ni Jasmin na panoorin na lang ang pelikula pero siyempre hindi naman puwedeng mawala sa isang movie ang love scenes.
“Oo naman, wala namang point kung wala,” giit pa ng dalaga.
Ang Cinema One Originals festival ay magsisimula sa Nov 14 at tatakbo hanggang Nov. 22. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills, at Cinematheque.
ni MVN