HINDI voluntary kundi compulsory ang dapat na ipatupad na drug test sa mga barangay chairman at mga kagawad para magtagumpay ang kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte laban sa ipinagbabawal na droga.
Alam ng lahat na marami sa mga barangay chairman at kagawad kabilang ang mga tanod ang gumagamit ng droga, at ilan sa kanila ay pusher o ‘di kaya ay protector ng mga pusher at user sa kani-kanilang mga lugar. Higit na magiging epektibo ang Oplan Tokhang kung kasabay nito ay magsagawa ng compulsory drug test sa mga kapitan, kagawad at tanod.
Sa kabila ng tuloy-tuloy na kampanya ni Duterte, patuloy pa rin ang kalakaran ng droga sa mga komunidad dahil mismong mga barangay officials ang nagkakanlong at kumokonsinti sa drug pushers at users.
Hindi magtatagumpay ang kampanya laban sa droga ng kasalukuyang administrasyon kung ang mga kapitan, kagawad at tanod ay hindi sasailalim sa compulsory drug testing na magbibigay-daan para makasuhan sila at masibak sa kanilang puwesto.
Hindi parehas sa mga simple at mahihirap na indibidwal ang nakikitang mga nakabulagta sa kalye, panahon na sigurong may bumulagta na ring mga opisyal ng barangay.