Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nathalie Hart, Best Actress sa Manhattan filmfest para sa Siphayo

PINATUNAYAN ni Nathalie Hart na hindi lang siya palaban sa daring at sexy scenes, kundi may ibubuga rin siya sa acting. Nanalo kasing Best Actress si Nathalie kamakailan sa International Film Festival Manhattan sa New York para sa pelikulang Siphayo. Nasa Tate pa ngayon ang aktres at nang nakapanayam namin si Nathalie thru FB, ipinahayag niya ang kagalakan sa natamong award.

“I was just happy to attend and promote our film. I’m happy that we won, but it’s not just me. Everyone help me, especially my director-Direk Joel Lamangan. So, it’s for all of us,” wika ng tisay na aktres.

Dream come true ba ito sa iyo na ma-recognize ang acting mo at pang international filmfest pa? “Oo naman po, but I can’t wait to do more films and showcase my acting more.”

Matatandaang habang ginagawa ang Siphayo ay muntik nang umatras si Nathalie sa pelikula dahil sa mga nude scenes at love scenes na kailangan niyang gawin sa bagong obrang ito ng premyadong director na si Direk Joel Lamangan. Sa isa sa love scene niya kay Luis Alandy, nag-iiyak ang aktres at nagkulong sa comfort room dahil sa maselang eksenang kailangang gawin dito.

Ang Siphayo ay prodyus ng BG Productions International ng businesswoman na si Ms. Baby Go. Shocking ang kuwento ng pelikula dahil hindi lamang pagsasaluhan kundi pag-aagawan ng mag-aama si Nathalie rito na mauuwi sa bayolenteng trahedya. Showing na ang Siphayo sa November 2 at kahit siksik ito sa mga eksenang nudity at karahasan, binigyan ito ng MTRCB ng R-16 ratings without cuts. Ginawang konsiderasyon ng MTRCB ang maayos na pagkagawa sa pelikula, magandang sinematograpiya, mahuhusay na pagganap ng mga artista, at ang social message sa kabuuan ng kuwento ng pelikula.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …