Saturday , November 16 2024

NTC dapat magpaliwanag — Sen. Grace Poe (Sa telcos selective disaster alert)

NAIS ipatawag at pagpaliwanagin ni Senate committee on public services chairperson Sen. Grace Poe ang pinuno ng National Telecommunications Commission (NTC) kung bakit hindi lahat ng cellphone users na naapektuhan ng supertyphoon Lawin ay nakatanggap ng disaster alert.

Ayon kay Poe, bagama’t may mga nakatanggap ng text blast, higit na marami ang hindi naabot ng mahalagang impormasyon, kabilang na ang mga nasa Metro Manila na isinailalim din sa signal number one (1).

Ngunit dahil naka-break ang sesyon ng mga mambabatas, baka sa susunod na buwan pa maisagawa ang hearing ng Senate committee.

Giit ng senadora, hindi lang dapat ang mga direktang daraanan ng bagyo ang kasama sa information dissemination dahil may mga pagkakataong nag-iiba ang takbo ng bagyo kaya dapat makapaghanda ang lahat para ma-minimize ang pinsala ng kalamidad.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *