NAIROBI, Kenya – Isinalaysay nang nakalayang 26 seafarers ang naging karanasan nila sa limang taon pagiging hostage ng mga pirata sa Somalia.
Ang nasabing seafarers ay mga tripulante ng barkong FV Naham 3 na ini-hijack ng mga pirata noong 2012.
Kabilang sa kanila ang apat Filipino habang ang iba ay galing China, Cambodia, Indonesia, Vietnam at Taiwan.
Sinabi ni Arnel Balbero, isa sa mga Filipino, para silang mga “walking dead” habang hawak ng mga pirata.
Kaunti aniya ang ibinibigay sa kanilang tubig at walang pagkain.
Nagluluto sila sa kagubatan at kabilang sa kinain nila ay daga, para lamang mabuhay.
“They give us small amount of water only. We eat rat. Yes, we cook it in the forest,” ani Balbero.
“(We) just eat anything, anything. You feel hungry, you eat.”
Ayon kay Balbero, hindi nila alam kung paano magsisimula muli makaraan ang limang taong pamamalagi sa kamay ng mga pirata.
Ang 26 seafarers ay pinaniniwalaang huling batch ng hostages na hawak ng Somali pirates.
Napalaya sila nitong Sabado makaraan magbayad ng ransom ang kompanyang may-ari ng barko. (BBC)