Friday , December 27 2024

Editorial: Itumba o kudeta?

MAAARI pa sigurong palagpasin ang tawaging “anak ka ng puta” ni  Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si US President Barack Obama. Tawaging “tarantado” si United Nations Secretary General Ban Ki-moon at European Union na “puta kayo!”

Pero ang magkaroon ng isang independent foreign policy ang Filipinas sa ilalim ng administrasyon ni Duterte kasabay ng pagsasabing ititigil na ang war exercises sa mga Kano ay hindi na siguro mapalalagpas ng Estados Unidos.

Sa mga pahayag at aktuwasyon ni Duterte, hindi malayong mapatay siya sa pamamagitan ng asasinasyon o kaya ay magkoon ng kudeta sa Filipinas.  Batid ng lahat na ang Central Intelligence Agency (CIA) ang pangunahing armas ng US para magsagawa ng covert at clandestine operations sa mga kumakalaban sa kanilang interes. Ang CIA ay aktibo sa Filipinas.

Nakababahala ang ginagawa ni Duterte lalo nang magtungo siya sa China na isa sa pangunahing “karibal” ng Amerika.  At sa kabila ng tensiyon na nagaganap sa pagitan ng Russia at US dahil sa Syria, inihayag din ni Duterte ang plano niyang makipagkita kay Russian President Vladimir Putin.

Hindi pakakawalan ng mga Amerikano ang interes nila sa Filipinas.

Kung tutuusin, tama ang ginagawang pag-alma ni Duterte sa US dahil alam naman ng lahat na hanggang ngayon ay kontrolado pa rin nito ang politika at ekonomiya ng Filipinas. Lamang, gaano ba kahanda ang kasalukuyang administrasyon sa gagawing destabilisasyon ng US mapatalsik lamang sa puwesto si Duterte?

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *