Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tart Carlos, ibinunyag kung paano raw ginagawa ang drug test ng isang network

WORTH-LOOKING into ang naging pahayag ng komedyanteng si Tart Carlos nang isalang ni Mo Twister sa podcast ng kanyang programa (siya ‘yung nasa cast ng Be Careful With my Heart).

Umano, may ipinadadalang text message ang pamunuan ng ABS-CBN sa kanilang mga contract star na naghihikayat to submit themselves to drug testing. Pero ang catch, kung gumagamit daw ang ilan sa mga ‘yon ay may paraang inio-offer ang estasyon para negatibo sila sa anumang illegal substance.

Ginagawa raw ito ng network para pangalagaan ang kanilang mga artista, and at the same time ay mapangalagaan din nito ang kanilang imahe sa broadcast industry sa bansa.

Kung totoo man ang rebelasyon ni Tart, maganda ang layunin ng Kampamilya Network as far as protecting the interests of their stars. After all, tungkulin naman nilang tiyakin ang kapakanan ng kanilang mga artista that whoever is found to be a drug user ay isang malaking kasiraan nga naman sa network.

While we commend the purpose ay hindi kami sold sa pamamaraan. Why have the stars take or ingest something para palabasing negative sila sa paggamit ng drugs?

Is this not tantamount to making a fool out of the concerned agency, na kung tutuusin ay panlilinlang din sa kanilang mga sarili?

Kung magiging positibo sa drugs dahil gumagamit nga ang ilan sa kanila, eh, ‘di positibo! Why rig the result sa pamamagitan ng ganoong paraan?

Kung ganoon din lang ang uniiral na patakaran sa Dos—again, kung paniniwalaan natin si Tart—aba, inuman mo lang pala ng kung anong pam-purify sa body system mo, voila, negative ka na!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …