Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Din Din Frias, bilib kina Kikay at Mikay

DESIDIDO ang newcomer na si Din Din Frias na magtagumpay sa mundo ng showbiz. Nag-aaral pa ang 18 yeard old na ito sa FEU ng kursong BSBA major in Marketing Management, ngunit pursigido siyang maabot ang kanyang pangarap sa pag-arte.

Unang exposure niya ay bilang audience sa TV5 show ni Ogie Alcasid na Let’s Ask Pilipinas. Sumunod ay nakalabas siya sa Ang Probinsyano at ang bida ritong si Coco Martin pa mismo ang kaeksena niya. Tapos ay nag-acting workshop na raw siya.”Nag-acting workshop po ako kay Direk Mike Magat, doon ako talaga nagkaroon ng magandang role. Then, isinasama na niya ako sa lahat ng movies niya. Like sa Mga Batang Lansangan at yung Field Trip. Sa susunod na movie niya, sabi ni Direk Mike ay isasama niya rin daw po ako. Sabi pa niya, isasama niya ako sa stage play na gagawin niya at siguro po, posibleng maging main character daw ako roon,” kuwento ni Din Din.

Nagkuwento pa siya sa mga pelikulang nagawa niya. “Ito yung Mga Batang Lansangan at ang bida roon ay si Buboy Villar at si Miguel Antonio. Ang mga papel namin sa movie ay mga batang lansangan nina Buboy at Miguel.

“Sa Field Trip naman, nandoon po sina Kikay at Mikay, Miguel Antonio, ako po, si Shane Madrigal, Cassey Mae Real, Angel Abad, at iba pa. Ang role po namin dito, mga estudyante kami. Then, may pinuntahan kaming lugar na nagkaroon doon ng mga challenges… Medyo may horror din kasi roon at may iyakan din, drama rin po.”

Pinuri rin ni Din Din ang mga co-star sa Field Trip na sina Kikay at Mikay.

“Mababait po sina Kikay at Mikay. Bata pa lang po sila pero napaka-professional na po nila, hindi lang po sa pag-arte kundi pati sa pag-uugali. Napakasaya po nilang kasama. Nakakatuwa po silang dalawa at ang bait-bait pa nina Kikay at Mikay.

“Mga talented na bata po sina Kikay at Mikay, bukod sa magaling po silang umarte ay magaling din po silang kumanta at sumayaw,” nakangiting saad pa ni Din Din.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …