Monday , August 11 2025

Baes at Taki, sasabak na sa biggest acting break sa TROPS

LALARGA na sa pag-arte simula Oktubre 24 ang latest and hottest all-male group na BAES kasama ang newest female teen sensation na siTaki sa fresh na fresh at swak na swak na konsepto ng isang morning series para sa mga millennial, ang TROPS.

Discovery ng Eat Bulaga! ang BAES na binubuo nina Kenneth Medrano, Kim Last, Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino, atJoel Palencia. Isa namang French-Japanese-Pinay si Taki na kasalukuyang napapanood sa noomtime show.

Grand winner si Kenneth ng segment na That’s My Bae, mula Cebu at acting, singing, at dancing ang maipagmamalaki niyang talento. Nakalabas na siya sa Lenten Special ng EB, at naging bahagi ng morning series na Calle Siete.

Ang pagsasayaw din ang naging pasaporte ng 20-year old na si Miggy para matupad ang pangarap niyang maging artist. Magsisilbing biggest break niya sa pag-arte ang TROPS dahil siya ang magiging mahigpit na kalaban ni Kenneth sa puso ni Taki.

Isa namang Filipino-British si Kim na magaling sa mixed martial arts. Bukod sa husay sa pagsayaw, lumulutang na rin ang pagiging komedyante niya bilang isa sa baguhang dagdag na mainstays ng Sunday Pinasaya.

Si Tommy ang pinakamatangkad sa BAES na isang six-footer. Mas pinili niyang subukan ang showbusiness kahit graduate ng BS Radiologic Technology. Ang talent sa pagsayaw at pag-arte ang kakayahan niya.

Kaabang-abang din ang pagsabak nina Jon at Joel sa TROPS. Hindi lang sa pagsasayaw ang sentro ng career nila ngayon dahil sa series, may mahalaga silang papel na akmang-akma sa personalidad nila.

Bilang paghahanda sa TROPS, sumailalim silang lahat sa acting workshop para maisabuhay ng totoo ang kani-kanilang roles na hindi malayo sa pagiging millennial nila.

Tatalakay sa iba’t ibang issue ng henerasyon ang TROPS—peer pressure, friendship rivalry, generation gap, at iba pa. Isang layunin ng programa ay maka-relate sa mga inang may millennial baby.

Siyempre, naroon ang dynamics ng mga millennial ngayon. Lalantad ang klase ng pananamit, ugali, style ng buhok, at samahan nila. Maging ang hugot ng millennial sa character ay maa-identify ng lahat ng televiewers.

Magsisilbi ring link ang TROPS sa henerasyon noon at ngayon. Lingid sa kaalaman ng mga magulagn ng millennial, ang problema nila noon ay siya ring problema ng mga anak nilang isinilang ngayong milenyo.

Mapapanood ang TROPS bago mag-Eat Bulaga, 11:30 a.m. sa GMA7 mula ito sa TAPE, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

MaxBoyz Pedro Red Liza Soberano

Red ng MaxBoyz gustong makatrabaho si Liza

RATED Rni Rommel Gonzales MIYEMBRO ng all-boys sexy group na MaxBoyz si Red na noo’y nakilala at nainterbyu na …

Jak Robero Barbie Forteza Jameson Blake

Jak boto kay Jameson para kay Barbie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA si Jak Roberto sa pagsasabing bet niya o boto siya kay Jameson Blake para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *