Saturday , November 23 2024

Agaw-eksena at agaw kredito na naman

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Venezuelan national na kinilalang si Genesis Lorena Pineda Salazar, 20-anyos, dumating sa NAIA Terminal 3 lulan ng Emirates Air flight EK 332 mula Sao Paolo, Brazil via Dubai, sa tangkang pagpuslit sa bansa ng 4.3 kilo ng high-grade cocaine na nakatago sa loob ng sachets ng hair coloring solution. Sina NAIA Customs District Collector Ed Macabeo at X-ray Inspection Project (XIP) ang nag-imbestiga sa dayuhang suspek bago pormal na sampahan ng kaso sa piskalya. (JSY)

Sa pinakahuling nasakoteng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na tangkang magpuslit ng cocaine, muli na namang may umepal.

Ang babaeng pasahero ay isang Venezuelan, nahulihan nang halos 4.3 kilo ng high grade cocaine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Siyempre ang nakasakote sa 20-anyos Venezuelan na si Genesis Lorena Pineda Salazar, ang Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Batay sa tip ng United States’ Drug Enforcement Agency darating si  Salazar via Dubai, kaya agad inatasan ni NAIA customs district collector Ed Macabeo ang kanyang mga tauhan. Ganoon din ang PDEA sa kanilang mga personnel na nasa airport.

Kaya hayun, agad nasabat ang Venezuelan na may dalang cocaine.

Nasa kustodiya na ng PDEA si Salazar para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Sa NAIA, alam lahat ng inter-agencies kung kanino at sino ang nagtrabaho kaya nagtataka tayo kung bakit ang mga lumalabas sa ibang pahayagan ay taga-Bureau of Immigration (BI) ang nakasakote.

Noong nakaraan, BI spokesperson ang nagsasalita, ngayon naman mismong si Commissioner Jaime Morente na ang pinagsalita sa balita.

Bakit?!

Umeepal o nagpapalakas ba kay Commissioner Morente si spokesperson?

O gusto talaga nilang ikanal si Commissioner?!

Commissioner Morente, Sir, puwede bang itsek ninyong maigi ang loyalty ng mga tao sa paligid ninyo, lalo na ‘yung mga nakalalabas-masok sa inyong tanggapan ninyo?!

Alalahanin ninyo ang kasabihan…laging nasa huli ang pagsisisi.

‘Yun lang po.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *