Saturday , November 16 2024

UNCLOS sa WPS kapwa kinilala ng PH at China

BEIJING, China – Napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang kooperasyon ng coast guards ng Filipinas at China partikular para matugunan ang mga maritime emergency situations sa West Philippine Sea.

Nakapaloob sa kasunduan na layunin nitong magtulungan ang dalawang coast guard saka-ling magka-aberya sa karagatan at mapangalagaan ang mga yamang dagat o marine environment.

Nakasaad din dito ang pagkilala ng dalawang bansa sa international law gaya ng UNCLOS na pinagtibay noong 1982.

Magugunitang ilang teritoryo sa South China Sea o West Philippine Sea ay ugat ng tensiyon ng China at Filipinas, bagay na sinasabing napahupa sa State Visit ni Pangulong Duterte sa Beijng.

“Both sides commit to enhance cooperation between their respective Coast Guards, to address maritime emergency incidents, as well as humanitarian and environmental concerns in the South China Sea, such as safety of lives and property at sea and the protection and preservation of the marine environment, in accordance with universally recognized principles of international law including the 1982 UNCLOS,” ani Duterte at Xi sa joint statement.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *