Saturday , November 16 2024

Sariling pamilya sinilaban ng ama 1 patay, 3 sugatan

LA UNION – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang padre de pamilya bunsod ng third-degree burns habang sugatan ang kanyang misis at dalawa nilang anak makaraan sunugin ang kanilang bahay sa Brgy. Maria Cristina West, Bangar, La Union kamakalawa.

Ayon sa ulat, pasado 11:00 pm habang umiinom ng kape ang mag-asawa nang sabihin ng ginang na nais niyang bumalik sa ibang bansa upang magtrabaho ngunit nagalit ang mister bunsod nang matinding selos.

Pagkaraan, binuhusan ng gasolina ng mister ang sarili gayondin ang kanyang misis at sinilaban.

Tinangkang tumakbo ng ginang kasama ang dalawa nilang anak na may gulang na 4-anyos at 10-anyos ngunit nahila sila pabalik ng mister.

Nakatakbo palabas ang dalawa pa nilang anak na may gulang na 7-anyos at 12-anyos na siyang humingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay.

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong bahay na gawa sa light materials at dakong madaling-araw nang maapula ng mga bombero.

Binawian sa insidente ang mister habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kanyang mag-ina na dumanas ng first at second degree burns sa kanilang katawan.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *