UMAKYAT na sa 15 katao ang patay sa paghagupit ng supertyphoon Lawin sa Luzon.
Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, 13 sa mga namatay ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang dalawa ay mula sa Isabela.
Ngunit posible pa aniyang madagdagan ang bilang ng mga namatay.
Sa Cagayan, sinabi ni Governor Manuel Mamba, may apat namatay sa pananalasa ng bagyo.
Batay sa NDRRMC, higit 140,000 katao ang lumikas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol at Cordillera Administrative Region.
Sa ngayon, nasa 92,000 pa ang nananatili sa evacuation centers.