Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TF ni Rachelle, paghahati-hatian na lang nina Kyla, KZ, Yeng at Angeline

MARAMI ang nanghinayang at hindi makakasama sa Divas Live in Manila concert si Rachelle Ann Go. Originally kasi’y kasama siya dapat nina Angeline Quinto, Kyla, KZ Tandingan, at Yeng Constantino. Ang concert ay magaganap sa November 11, sa Araneta Coliseum.

Malungkot man ang apat ay idinaan na lang nila sa pabiro ang sagot nang matanong kung bakit hindi nakasama si Rachelle Ann.

“Eh ganoon po siguro talaga, mas mayaman po siya sa amin. Nasa London siya,” natatawang sagot ni Angeline. ”Noong unang presscon  lima pa kami. Honestly, nagulat din po ako noong na-confirm talaga na hindi na po magiging parte si Rachelle sa ‘Divas Live in Manila’, pero naiintindihan naman namin ‘yun. Siyempre, mas kailangan niyang mag-stay doon sa London.

“Paghahati-hatian na lang naming ang TF niya, hahaha,” biro pa ng magaling na singer.

Sinabi naman ni Yeng na, ”actually, ‘yung isa sa mga reason din is from London, pupunta po siya ng New York for Broadway and then, ‘yung schedule ng rehearsals and even ng concert day, hindi na po nagtugma sa schedule niya.

“Siyempre, bilang mga kapatid niya sa industriya and also, same kami ng management (Cornerstone Entertainment), big break din for her career ‘yun, and we know na gustong-gusto niya ‘yun, passion niya ‘yun. Okay lang naman po talaga na magparaya.”

“At saka we understand her kasi kung sa amin man ‘yun, kung may ganoong klaseng opportunity, siyempre, international gig, ‘yun, ‘di ba? How can we resist it? Parang hindi ka rin makaka-resist. So, we understand her and we support her,” sagot naman ni Kyla.

Makakasama nina Yeng, Kyla, KZ, at Angelina sina Kaye Brosas, Jaya, at Regine Velasquez sa Nov. 11 sa Araneta Coliseum.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …