Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Swimming trunks scene ni Dennis, pasabog sa Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?

LAUGH trip mula umpisa hanggang matapos ang Viva Films beki movie na Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?! na nagkaroon ng matagumpay na premiere screening sa Cinema 9 ng SM Megamall noong Martes ng gabi.

Siksikan man at parang sardinas ang dami ng taong nag-abang sa unang pagsasama sa big screen nina Dennis Trillo, Anne Curtis, at Paolo Ballesteros, lahat sila, tawa ng tawa at masayang lumabas ng sinehan.

Pasabog sa tuwa ang pelikulang idinirehe ng multi-award winning na si Jun Robles Lana, na tinupad ang pangakong wala itong pretensiyon o agenda kundi mang-aliw lamang.

Simple lang ang istorya na tungkol sa isang babaeng laging naiinlab sa mga bakla. Pero, fresh ang ginawang atake ni Direk Jun. Kakaiba at may pagka-Hollywood-ish pa nga. Lalo na sa umpisa  na kinakausap ang audience ng karakter ni Anne na si Kylie.

Sa pelikula, “cover girl” ng mga klosetang bakla si Anne. Feeling niya, isinumpa siya ng langit dahil lahat ng minahal at naging BF, bakla.

Sina Will Devaughn at Prince Stefan ang ilan sa lumabas na ex ni Anne kasama si Paolo na later on, naging mag-bestfriend sila at business partners pa.

Napakarami nilang kuwela at baliw-baliwan moments together. Sa totoo lang, bagay na bagay silang mag-bestie.

Isa na rito ang eksena ng pag-e-emote ni Paolo kasama si Anne sa loob ng kotse sa parking lot dahil hindi niya ma-take na siya pa ang nag-aayos ng kasal ng lalaking pinakamamahal niya.

Sabog sa halakhakan ang sinehan nang lapitan sila ng security guard sa pag-aakalang may milagro silang ginagawa at ipagsigawan ni Paolo bakla siya.

Si Dennis naman, sobrang guwapo bilang Diego, ang high school at forever crush ni Paolo na bumalik mula Amerika para rito magpakasal.

Kukunin niya ang serbisyo nina Paolo at Anne bilang wedding organizer. Ang dating sexy star na si Yam Concepcion ang umapir na fiancée ni Dennis at in fairness, convincing siya bilang bitchy, sosyalera, at Ingleserang girlfriend.

Siguradong mabubusog ang mga mata ng mga manonood, bakla man o babae, sa pasabog na swimming trunks scene ni Dennis. First time niya itong ginawa sa screen kaya talagang tilian to the max ang premiere night crowd.

Dapat ding abangan ng mga manonood kung paano hulihin nina Kylie at Benj kung bakla nga ba o lalaki si Diego.

Bukod sa napakagandang cinematography, makukulay na lokasyon at ganda ng rehistro ng tatlong bida sa screen, markado rin ang dual role ng batikang si Michael de Mesa bilang ama at “tiya” ni Dennis.

Sa kabuuan, walang pagkabagot dahil mabilis ang pacing ng movie at maraming mapupulot na beki terms mula sa “beksyonaryo” ni Kylie. In short, winner ang bagong offering na ito ng Viva. Very light at feel-good hanggang ending.

Palabas na ang Bakit Lahat ng Gwapo, May Boyfriend?! sa mga sinehan nationwide at very soon ang international screenings.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …