HINDI pumalag si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa 90 days suspension order na ipinataw sa kanya ng Sandiganbayan 7th division.
Sinabi ni Biazon, hindi na siya aangal pa sa utos ng anti-graft court dahil bahagi ito ng legal na proseso.
Sa katunayan aniya, hiniling pa niya sa Sandiganbayan na simulan ang kanyang preventive suspension ng Oktubre 10 ngunit itinakda lamang ito ng Oktubre 17.
Aniya, naniniwala siya na ito ay hindi paraan upang siya ay parusahan o indikasyon na siya ay guilty sa kasong katiwalian kaugnay nang pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Paraan lang aniya ito upang matiyak na hindi mapakailaman o maimpluwensiyahan ang mga ebidensiya gayondin ang mga witnesses, bagay na wala siyang intensiyong gawin.
“The court itself said it is just ministerial on their part to grant the motion,” ani Biazon.