Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo, limang taon ang hinintay bago nakumbinseng mag-album

THE freeman’s son.

Twenty-two years ago, siya ang nasa cover ng Freeman album ng amang kinilalang King of Rap na si Francis Magalona.

Sabi ni Elmo sa launch ng kanyang self-titled solo album under Universal Records, siya ang inilagay ng Dad niya sa cover dahil malalaki na ang mga kapatid niya at siya lang ang puwedeng nakahubad dahil baby pa lang siya noon.

And it took Elmo several years pa bago matanggap sa sarili na yes, he can sing. At alam niyang he can rap but not totally. Dahil in his heart alam niyang mas gamay niyang kantahin ang pop songs.

Kaya ganoon ang maririnig sa mga kanta niyang Kay Dali, Tayo Na,  Huwag Kang Matakot, Ikaw Lang at may rap sa kanta nila ni Janella Salvador na Alam Mo Ba at sa bonus track na Born for You.

Malakas sa iTunesPH album chart ang Elmo. Nag-number one!

Pero kahit na nada-download na at talagang chart-topper na ang songs niya sa spotify at iba pang kariringgan ng mga kanta niya, gusto pa rin pala ni Elmo na magkaroon ng physical albums niya.

It took Elmo five years bago nakumbinse ang sarili na kaya na niyang mag-album. Hindi naman pala nawala kasi roon ang pressure na ang yapak ng ama ang sundan niya.

Kaya tanggap din niya na ang naabot ng Mga Kababayan ng ama ay hindi niya mapapantayan but welcomes the idea na he can remake his favorite songs of FM.

“Another album perhaps. Na ibabagay din sa kaya kong gawin.”

Nationalistic. Rebellious. Opinionated. ‘Yun ang Dad niya. What about Elmo?

“Ang sa akin is to be able to show the world what our country is about. ‘Yung maipakita sa mga nasa labas why it is cool to be here. Ang maging maganda tayo sa tingin ng iba. That’s something I can do.”

Napapanood sila ni Janella sa magandang episodes ng  Wansapanataym na ini-enjoy ni Elmo. Naghihintay lang sila sa next team-up. At hindi siya bothered kung may segue ito sa Marlo Mortel project.

Ayaw niya pag-usapan ang lovelife! Huwag na lang daw ‘yun! Maski pag-usapan sina Janella, Julie Anne San Jose o mga leading ladies niya.

“I don’t like comparing kasi. Hindi naman doon tinitingnan ng tao ‘yun. In the end it’s different pa rin naman. Huwag na lang.”

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …