NASA top spot pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa listahan ng government officials na may mataas na approval at trust ratings.
Base sa Pulse Asia survey, 86 porsiyento ng respondents ang nagsabing pasado sa kanila ang pagganap ng trabaho ni Pangulong Duterte, 11 ang undecided habang tatlong porsiyento lamang ang nagsabing hindi sang-ayon.
Nasa 86 porsiyento rin ang nagsabing malaki ang tiwala nila sa chief executive, habang tatlong porsiyento lamang ang nagsabing wala silang tiwala.
Bagama’t bumaba ng limang porsiyento mula sa 91 porsiyento na trust ratings noong buwan ng Hulyo, sinabi ng survey firm, halos walang ipinagkaiba kung ikokonsidera ang margin of error.
Samantala, si Vice President Leni Robredo ay nakakuha ng 66 porsiyentong approval ratings at 65 porsiyento ang may tiwala sa kanya.