NALILITO ang Armed Forces of the Philippines dahil sa pabago-bagong defense policy ng bansa sa kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, ang kalituhan sa AFP ay bunga nang inaasal ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyadong bansa kagaya ng Estado Unidos kapalit ang pagiging bukas at malapit sa China at Russia.
Aniya, naiiba na ang takbo ng defense strategy ng Filipinas dahil sa ginagawang pronouncements ng Pangulo sa U.S.
Dahil dito, malaki aniya ang tiyansa na maapektohan nang husto ang training at maging ang edukasyon ng mga sundalong Filipino.
Kaakibat aniya nito ang tiyak na pagbabago sa estratehiya ng sandatahang lakas ng bansa.