Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mulat, isa sa maipagmamalaki kong pelikula hanggang sa tumanda ako — Jake

MAPAPANOOD na ang pelikulang binigyang pagkilala sa International Film Festival, ang Mulat (Awaken) na pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Loren Burgos, at Ryan Eigenmann.

Ang award-winning movie na Mulat ay Graded A sa Cinema Evaluation Board. Ito ay isinulat at idinirehe ni Diane Ventura na nagwaging Best Director for Global Feature samantalang Best Actor naman sa International Film Festival Manthattan 2015 si Jake. Nagwagi rin bilang Best Narrative Feature sa World Cinema Festival sa Brazil ang pelikula at muli, nakuha ni Jake ang Best Actor honor.

Ang Mulat ay isang psychological thriller-drama na may pagka-mystery at suspense dahil sa mga karakter nina Jake at Loren, isama pa ang nakababaliw na role ni Ryan.

Ayon kay Ventura, simula pa lang ng pelikula ay puro highlights na, kaya lalong masa-shock ang manonood kapag ini-reveal ang big twist sa ending.

Ani Loren, Loren, na tense siya lalo na sa love scene nila ni Jake na unang araw ng shooting ay iyon agad ang kinunan. “Hindi madali especially ‘di mo kilala ‘yung tao,” panimula ni Loren lalo’t baguhan pa siyang artista at wala pang gaanong karanasan sa pag-arte.

“Inalalayan ko talaga siya,” giit naman ni Jake nang tanungin kung paano niya tinulungan si Loren sa kanilang love scene. “Kasi first day love scene agad. hahaha. Sobrang bait niya, nagkataon na pinanood niya ako sa workshop namin kahit sobrang stranger kami sa isa’t isa kaya nagkaroon na siya ng idea who I was.

“Like all my leading ladies never akong nagkaproblema sa aming lovescenes kasi at the end of the day, it’s work. Lahat tayo nagtatrabaho rito. “

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Loren na hindi siya nagsisisi sa ginawang paghuhubad sa Mulat dahil sulit ang ibinigay niyang pagod at effort sa proyekto.

“Nakasisira ng ulo, nakababaliw ‘yung tema ng pelikula. Pero feeling ko, marami pa ring makare-relate sa kuwento lalo na ‘yung mga torn between two lovers at hirap na hirap na sa kanilang lovelife.”

Sinabi naman ni Jake na hindi wild ang mga karamihang lovescene nila ni Loren. “More on pagmamahal sa isa’t isa ang ipinakita naming sa pelikula, walang kalaswaan or anything.”

“Kasi nga he’s they guy of my dream, romantic, mapagmahal, mabait, perfect guy,” sambit naman ni Loren.

Approved without cuts sa MTRCB ang mga love scene na ginawa nina Loren at Jake sa Mulat.

“Proud ako sa pelikulang ito, hindi lang dahil dalawang best actor ang napanalunan ko rito, pero dahil sa ganda ng pagkakagawa ni direk Diane. Isa ito sa maipagmamalaki kong pelikula hanggang sa tumanda ako. This is really different sa past movies ko. Kaya sana suportahan n’yong lahat.”

Sinabi pa ni Jake na for a change ay hindi masama ang karakter niya sa Mulat. “Kakaibang love story  ito, it’s something that you wouldn’t expect in a love story. Parang it’s something definitely throughout the movie, you’d be asking ‘ano ba talaga nangyari rito? Ano ba ‘yung dynamics? Is she think on me or have a choice kung sino talaga gusto niya?’ And in the end, magugulat na lang kayo sa characters, madadala kayo sa mga pangyayari.

“As a whole kakaiba siya bilang project, kaya siguro s’ya nanalo ng maraming awards (Direk Diane). Very fresh, very new, kahit matagal na naming nai-shoot, wala pa ring katulad na pelikula sa States at dito itong ‘Mulat’,” pagmamalaki pa ni Jake.

Bukod sa mga lovescene, ang mga napapanahong usapin sa lipunan tulad ng rape, pang-aabuso, sekswalidad, at pagiging psycho ang tatalakayin sa pelikula.

Kasama rin sa Mulat sina Candy Pangilinan, Issa Litton, Jen Rosales, Logan Goodchild, Rolando Inocencio, Madeleine Nicolas at marami pang iba. Ito ay ipinrodyus ng Day Herrera Cabahut  at ipamamahagi ng Solar Films. Mapapanood na ito sa mga sinehan sa November 2 at may gala premiere sa Oct. 27 sa SM Megamall.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …