Saturday , November 16 2024

Lawin signal no. 5

NADAGDAGAN pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone signal no. 5 dahil sa supertyphoon Lawin.

Kabilang sa mga nasa signal no. 5 ang Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao.

Habang signal no. 4 sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands.

At signal no. 3 sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora.

Nasa signal no. 2 pa rin ang Batanes Group of Islands, Pangasinan, natitirang bahagi ng Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Northern Zambales at Northern Quezon kasama na ang Polillo Islands.

Habang signal no. 1 sa natitirang bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, ibang parte ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 275 km silangan timog silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 225 kph at may pagbugsong 315 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

BAGYONG LAWIN MAPAMINSALA,  SAKOP MALAWAK

UMAPELA ang PAGASA sa mga residente sa mga lugar na  tatamaan ng supertyphoon Lawin, na habang may oras ay kumilos na.

Inilarawan ng PAGASA forecaster na si Rene Paciente na “super strong” at “destructive” si Lawin.

Pinayuhan niya ang mga residente na huwag isipin ang tatamaan ng sentro ng bagyo na Isabela at Cagayan area.

Mahalaga aniya na ang iba pang mga lugar ay maghanda rin dahil malaki o malawak ang dayametro ng bagyo.

Umapela siya sa mga residente sa coastal areas o dalampasigan ng Isabela, Cagayan, Ilocos region at Calayan na lumikas na.

Ang nasabing lugar aniya ay mayroong “history” na may nangyaring storm surge. Sigurado aniyang  makararanas ng daluyong ang naturang mga lugar.

Sinabi ni Paciente, masyadong mapaminsala ang supertyphoon Lawin dahil bukod sa dala nitong napakalakas na hangin, bitbit din nito ang malakas na ulan.

STORM SURGE AABOT NG 14 METERS — PAGASA

MULING nagbabala ang PAGASA at NDRRMC sa banta ng storm surge sa mga lugar na maaapektohan ng bagyong Lawin.

Sa kanilang latest weather bulletin, tinatayang aabot sa 4 meters hanggang 14 meters ang daluyong sa Cagayan, Isabela, Northern Aurora, Qurino at iba pang lugar na nasa signal number 2.

Hanggang apat na metro ang mga alon na-monitor sa Bicol region, Quezon province at ibang bahagi ng Aurora.

Giit ng PAGASA, hindi dapat balewalain habang papalapit ang sentro ng bagyo sa lupa.

“Estimated rainfall amount is from moderate to heavy within the 700 km diameter of the typhoon.  It is expected to intensify further before making landfall,” paalala pa ng Pagasa. “Sea travel is risky over the eastern seaboard of Southern Luzon and the northern and eastern seaboards of Samar.”

RELIEF GOODS, SATELLITE PHONES NAKA-PREPOSITION NA — NDRRMC

TINIYAK ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Usec. Ricardo Jalad, naka-preposition na ang kakailanganing relief goods sa sandaling manalasa ang supertyphoon Lawin.

Bukod sa relief goods, naka-preposition na rin ang satellite phones sa mga lugar na direktang tatamaan ng bagyo.

Aniya, hawak na ng local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ang ipinadalang satellite phones.

Ayon kay Jalad, sakaling maubos ang ipamamahaging relief goods ay may standby goods sa itinalagang warehouse.

Tiniyak din niya na ang gagamiting evacuation centers ay gawa sa matitibay na istruktura.

AFP NAKAALERTO SA BAGYONG LAWIN

INATASAN ni AFP chief of staff Gen. Ricardo Visaya ang lahat ng AFP units na maging alerto partikular sa Central at Northern Luzon na tutumbukin ng supertyphoon Lawin.

Bukod sa mga personnel, naka-standby na rin ang rescue teams ng AFP maging ang kanilang rescue equipments.

Tiniyak ni Visaya, nakahanda NA ang puwersa ng militar para agad magresponde at magsagawa ng rescue operation kung kinakailangan.

Sinabi ni Visaya, mahigpit ang ginagawang koordinasyon ng AFP personnel sa local disaster risk reduction management council.

PNP RESCUE TEAM NAKA-STANDBY

NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) sa paghagupit ng bagyong Lawin.

Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, may ugnayan na ang local disaster risk reduction and management council at PNP para sa ano mang ayuda na maibibigay ng Pambansang Pulisya.

Naka-deploy na aniya ang search and rescue teams ng PNP sa mga lugar na maaapektohan ng bagyo.

Dagdag ni Carlos, tutulong ang PNP sa local Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa paglilikas sa mga residente sa lugar na daraanan ng bagyo.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *