ROXAS CITY – Mismong ang national headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang nagpalabas ng relieve order sa tatlong provincial director ng PNP sa Region 6.
Kabilang dito sina Senior Supt. Roderick Alba, sinibak sa pagiging provincial director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), Senior Supt. Leo Irwin Agpangan, sinibak mula sa Guimaras Police Provincial Office (GPPO), at Senior Supt. Louie Garong, sa Antique Police Provincial Office (APPO).
Ayon kay Supt. Gilbert Gorrero, public information officer ng Police Regional Office (PRO-6), ang hindi naabot na target na accomplishment sa ilegal na droga ang tinitingnang dahilan nang pagsibak.